Si Quezon at ang Matatag na Republika
This is my loooooooooooooong piece...
I started practicing it last july 27(thursday)...
and the contest will be on August 7(that's monday!)...
Imagine a 10-day time limit to practice that piece? (10 days because aug.6 is my UPCAT)...
Well then, wish me luck!
Pilipino’y natulog sa mahabang panahon. Walang naririnig, walang nalalaman. Nagmula sa kawalan, nakikita’y kadiliman. Lumuha ang bayan, buong lungkot na ini-luha ang kawawang kapalaran sa lupain niyang kawawa. Ang bandilang sagisag niya’y lukob ng dayong bandila; Pati wikang minana niya’y busabos ng ibang wika.
Mula sa mahimbing na pagkakatulog, nakita ang liwanag. Narinig ang panaghoy ng mga pusong nagdurusa’t nasa kadiliman. Tinig na nagmamakaawa’t umaasang sa likod ng ulap ay may sisilay na liwanag. Liwanag na gagabay sa bawat Pilipino tungo sa tunay na pagsasarili at paglaya.
Daan-daang taon na ang lumipas… Henerasyon sa henerasyon… Iniluwal ang isang Manuel Luis Quezon, ang unang Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt noong taong Labing-siyam tatlumpo’t lima (1935) hanggang Labing-siyam apatnapu’t apat (1944), na ang minahalaga ay ang pagsasarili ng ating Republika. Isang tunay na estadista, itinuring na pinakadakilang lider na Pilipino, pinakamatapang, sinasabing isang Political Genius at hiyas ng ating lahi.
Tinipon ni Quezon ang lakas ng mga ilustradong Pilipino para magkaisa sa pakikipaglaban. Itinatag niya ang Triumvirate na “Quezon, Osmeña, Roxas” para sa iisang layunin. Sa pamamagitan ng Tydings-McDuffie Law ay nabigyan ng pahintulot ang mga Pilipino na magdaos ng Kombensiyong Konstitusyonal noong taong Labing-siyam tatlumpo’t apat (1934). At sa makasaysayang eleksiyon noong Noyembre Labing-lima, taong Labing-siyam tatlumpo’t lima (Nov. 15, 1935) ay nahalal na Pangulo si Manuel L. Quezon sa ilalim ng pamahalaang Komonwelt. Pangunahing layunin ng kaniyang pamahalaan ay ang pagtatanggol sa kalayaan ng estado at katarungang panlipunan. Hiningi niya ang pamatnubay ni Heneral Douglas MacArthur bilang tagapayo ng sandatahang lakas.
Pinangunahan niya ang pagkakaroon ng Pambansang Depensa kaugnay ng pagnanais niyang maging matatag ang ating Republika, paghahanda para sa digmaang darating at pagpapahayag din na kaya na nating ipagtanggol ang kalayaan ng ating Republika.
Obsesyon niya ang maitaguyod ang Katarungang Panlipunan kaya’t kinilalang “Ama ng Katarungang Panlipunan”. Pinangunahan ang bansa tungo sa hangad na pagsasarili. Dumanas ng di-birong hirap upang ipakipagtunggali ang katwiran, ipakipaglaban ang karapatan at ipagsanggalang ang tunay na katarungan ng kaniyang kababayan. Si Manuel Luis Quezon ang nagpasimuno upang tayong mga Pilipino ay makapamuhay ng malaya sa sariling bayan. Hindi siya natakot sa yaman at kapangyarihan ng mga Amerikano upang ipaglaban ang ating kasarinlan.
Layon niyang mapalayas ang mga higanteng walang karapatan dito. Kababaya’y makaalpas sa tanikalang gumagapos sa ating pangarap at karapatan. Lumabas sa hawla na ikinandado ng mga Kano na sa ating likod ay nagsamantala, nakapasan at nakaapak.
Inidolo at minahal ng bayan. Nasa kanyang panunungkulan ang isang bantayog ng pangarap, nasyonalismo at demokrasya na para sa Pilipino at tanging sa Pilipino lamang.
Hinangaan din siya sa buong daigdig sa kanyang matapang at matatag na ideyalismong, “Mabuti pa ang gobyernong malaimpiyerno na pinalalakad ng mga Pilipino kaysa sa malalangit na pinalalakad ng mga dayuhan”.
Sa pagpupunyaging magkaroon ng Wikang Pambansa, tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” ang Pangulong Manuel Luis Quezon. Naniwala siyang ang puso’t diwa’y nangangailangan ng iisang wikang makapag-uugnay sa buong kapuluan. Hindi ba’t wika ang puwersang dadalisay sa ating kamalayang pamabansa. Kaya ang pagpapatibay ng ating wikang pambansa ay naganap noong Hunyo apat,taong labing-siyam apatnapu’t anim (jun. 4, 1946) na kasabay din ng pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas ng mga Amerikano.
Malinaw kay Quezon ang dapat patunguhan ng ating Republika. Kalayaan mula sa mga Amerikanong humahawak ng kapangyarihan. Pinatunayan niyang kaya ng Pilipinong pamahalaan ang ating sariling Republika.
Sa panahong ito, nabuksan ang mga mata ng mga Pilipino mula sa pagkakatulog. Dati’y ang araw ay natatakpan ng maitim na ulap ngunit ngayon ay ngumingiti ang silahis ng araw. Dati’y gabi subalit ang dilim na nalalambungan ng ulap ay pinawi ng liwanag. “Ipaglaban ang kalayaan at katatagan ng Republika”, sigaw na sa puso’y nagmumula at nagbubuwis ng buhay kung kinakailangan. Ang tilamsik ng dugo ay hindi mahalaga kung ang kalayaan at katatagan ng Republika ang siyang pangarap, kung ang nasyonalismo ang siyang lunggati.
Kabataan… nasa atin ang lakas at katalinuhan. Simulan natin ang pagbabago’t tayo’y maging mga bagong Quezon. Hanapin natin at isakatuparan ang pagbabago. Simulan ang pagbabago sa Republikang Pilipino. Tulung-tulong, kapit-kamay nating balikatin ang mga suliraning ating kinakaharap ngayon. Ang lahat ng ito’y ating malalampasan. Sabay-sabay nating tunguhin at tahakin ang daan tungo sa pagbabagong panlipunan at matatag na Republika.
Patunayan nating ang mga gawa’t tungkulin na iniwan ni Pangulong Manuel Luis Quezon ay kaya nating gampanan, na ang pangarap ay hindi manatiling isang pangarap lamang. Lumikha tayo ng bagong Republika. Isang matatag na Republikang walang dungis at hindi bulag sa katotohanan. Isang lipunang hindi mabubuwag ng anumang unos at kalamidad. Isang matatag na Republikang Pilipinong buo, puno ng pagkakaisa’t tigib ng pag-ibig sa bawat puso’t isipan ng sangkapilipinuhan.

(uhm,, I'm supposed to deliver this speech in seven minutes)